LABINDALAWANG koponan ang magbabakbakan pagsiklab ng giyera sa hardcourt ng Laguna Colleges Universities Athletic Association ( LACUAA) Season 9 na sasambulat Nobyembre 25 sa St.Vincent College of Cabuyao sa Cabuyao City , Laguna
Ayon kay LACUAA Chairman Leonardo Andres, Sr.paparada sa pambungad seremonya ang mga kalahok na mga bigating koponan mula Laguna na kinabibilangan ng Asia Technological School of Science and Arts , Colegio de Los Banos,Dominican College of Sta Rosa,Greenfield Integrated School,Liceo de Bay,National University -Laguna,Pamantasan ng Cabuyao,San Pedro College of Business Administration,
San Sebastian College- Recoletos, Canlubang,St Ignatius Academy, St Vincent College of Cabuyao at Westbridge Institute of Technology, Inc.
Apat na eksplosibong laro ang nakatakda matapos ang opening ceremony na raratsadahan ng Dominican College of Sta Rosa vs GFIS sa junior division (8:30),Pamantasan ng Cabuyao vs NU sa senior(10am),Ignatius Academy vs WITI sa jr(12nn) at tampok na laro ang St Vincent vs ASIATECH sa senior( 1:30 pm).
Sa opening ay nag-welcome ang host St Vincent College of Cabuyao sa pangunguna ni SVP Directress Ms Marina Chavez sa lahat ng koponan, opisyales at lahat ng may kinalaman sa aktibidad pang- palakasan sa LACUAA.
Inspirasyunal na mensahe ang hatid nina 2nd Season President Mr. Solomon Padiz at Chairman Andres.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA