Good news para sa mga pensionado! Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na magpapatupad ito ng structured three-year pension increase simula Setyembre 2025, bilang bahagi ng kanilang Pension Reform Program na inaprubahan ng Social Security Commission (SSC).
Ayon sa SSS, ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layuning iahon ang mga pensioner mula sa epekto ng inflation, habang pinapalaganap ang kahalagahan ng pagtatrabaho at pag-iipon para sa kinabukasan.
Simula Setyembre 2025 ay ipatutupad ang 10% increase para sa retirement at disability pensioners na rehistrado hanggang Agosto 31, 2025, habang 5% increase naman sa mga death o survivor pensioners.
Susundan ito ng parehong dagdag sa Setyembre 2026 at Setyembre 2027, para sa mga pensionado hanggang sa petsa ng Agosto 31 ng mga susunod na taon.
Pagkatapos ng tatlong taon, aabot sa 33% ang kabuuang itataas sa pensyon ng mga retirement at disability pensioners, habang 16% ang kabuuang itataas sa death o survivor pensioners
“Narinig namin ang matagal nang panawagan para sa mas mataas na pensyon,” ayon kay SSS President and CEO Robert Joseph de Claro.
βAng bagong pension hike ay bunga ng maingat na pag-aaral ng actuarial team, at ginawa sa paraang hindi ikalulugi ng pondo.β Nilinaw rin ng SSS na hindi na kailangan ng dagdag na kontribusyon para sa repormang ito, at 3.8 milyong pensioners ang makikinabang β kabilang ang 2.6 milyon retirement/disability pensioners at 1.2 milyon survivor pensioners.
