January 14, 2025

SSS KINALAMPAG NG GRUPO NG MGA MANGGAGAWA

Ryan San Juan

NAGPROTESTA ang grupo ng mga manggagawa kasama si Akbayan Partylist Representative Perci Cendana sa headquarters ng Social Security Services (SSS) sa Quezon City nitong Martes, Enero 14, 2025.

Ito’y upang kondenahin ang desisyon ng gobyerno na taasan ang kontribusyon sa SSS mula 14% hanggang 15% sa ilalim ng Republic Act No. 11999 na epektibo ngayong taon.

Naniniwala ang grupo na ang gobyerno ay dapat magbigay-prioridad sa mga patakaran na direktang makatutulong sa mga manggagawa tulad ng pagtaas ng minimum wage at pagbaba ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.

Sa halip, ang pagtaas ng kontribusyon sa SSS ay magdudulot ng dagdag na pabigat sa mga manggagawa.

Ang pagtaas ng kontribusyon sa SSS ay bahagi ng mga reporma sa Social Security Act ng 2018, na naglalayong mapabuti ang katatagan ng pondo ng SSS hanggang 2053.