Mariing pinabulaanan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kasalukuyang kumakalat ng screenshots sa social media na malisyosong inaakusahan ang PAGCOR na kinopya lamang umano ang kanilang bagong logo sa isang website na “Tripper.”
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na walang katotohanan na plagiarized ang kanilang logo.
“The allegation made against PAGCOR is entirely false and driven by malicious intent,” ayon sa government agency.
“Throughout its operations, PAGCOR has consistently upheld the highest standards of integrity, transparency, and accountability. The agency remains dedicated to fostering a safe and thriving gaming industry in the country,” lahad pa nito.
Dagdag pa ng Pagcor, ang website na ‘Tripper’ kung saan sinasabing kuha umano ang kanilang logo ay maituturing na phishing site.
“At the outset, the website is lacking showing of credibility and in fact, bears resemblance to a phishing site,” saad ng PAGCOR.
“The allegation made against PAGCOR is entirely false and driven by malicious intent,” lahad pa nito.
Nabalot sa kontrobersya ang bagong logo ng Pagcor. Bukod sa alegasyon na plagiarized ito, ilang Pinoy rin ang kumuwestiyon dahil P3 million ang binayad para sa logo.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan