May 4, 2024

SARA DUTERTE SA MGA BAGONG GRADUATES: MANGARAP KAYO

Mangarap kayo,  ang liwanag sa mga puso ninyo ay mas makinang kaysa mga kabiguan o  “Light in your hearts are brighter than failure.”

Ito ang makahulugang panimula ng talumpati ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte sa harap ng 591 graduates sa ika-walong commencement exercise ng Allen National High School sa Allen, Samar, kung saan ang Bise Presidente ang Guest of Honor and  Speaker.

Sumentro ang talumpati ni VP Sara sa kahalagahan ng pangarap at pagsisigasig   na tuparin, ituloy, alagaan ang kanilang pangarap na gaya ng pagpapayabong sa mga halamanan o cultivating a garden.

Wala aniyang makakatalo sa apoy sa loob ng puso ng mga nasabing graduates  sa kagustuhan nilang magtagumpay para sa buhay.

Ngunit may pasubali rin ang Bise Presidente na ang pangarap ng isang tao ay maaaring matupad at maaari ring hindi matupad  kahit determinado at nagpapakahirap na minsan ay dahilan upang maging desperado.

Sa puntong ito, ibinahagi ng Bise Presidente personal karanasan na pinangarap niyang maging doktor na hindi natupad  ngunit natutunan aniya na sa halip na hangarin ang imposible ay dapat sundin ang landas   upang marating ang ating full potential.