Tinanggap ni basketball rising star Kai Sotto ang kanyang diploma sa Miami School sa Hamilton, Ohio. Natapos na kasi nito ang kanyang secondary schooling.
Kung matatandaan, iniwan ni Sotto ang Ateneo High School noong 2019. Ito’y sa pagnanais niya na makapaglaro sa NBA. Nasa third-year siya noon.
Isa si Kai sa nanguna sa pagdagit ng Blue Eaglets sa UAAP Season 80 High School Boys title.Habang nag-aaral, naglaro siya sa The Skills Factory. Kalaunan, sa G League Ignite habang nag-aaral sa Miami School.
Pansamantala siyang lumiban sa paglalaro sa G League sa paghahangad na makapaglaro sa Gilas Pilipinas 8.0 para sa FIBA Asia Cup qualifiers.
Pagkatapos ng 2 years, natanggap na ng 18-anyos ang kanyang diploma. Ibinahagi ng kanyang tatay na si Ervin ang tungkol dito sa Facebook account nito.
More Stories
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS