November 23, 2024

SOLON SA PHILHEALTH: SOBRANG PERA GAMITIN, HEALTH BENEFITS ITAAS

Kinakailangang mapakinabangan na ng mga mamamayan ang Philhealth sa ilalim ng Universal Health Care law.

Sa Agenda forum sa Club Filipíno, sinabi ni Agri parylist Representative Wilbert Lee na ang PhilHealth ay hindi investment company kundi state health company ng pamahalaan.

Nabatid sa Kongresista na sa idinaos na committee hearing sa Kamara, may kabuuang ₱466-B na   investible funds  ang PhilHealth na ginamit na puhunan sa iba’t ibang entity.

Sa naturang investment ay kumita aniya ang PhilHealth ng ₱20.7-B.

Noon naman aniyang July 2023, kumita ang PhilHealth ng ₱68-billion, at may subsidiya pa na ₱100-billion mula sa national government taun-taon.

Dagdag pa ng Kongresista na sa ilalim ng Charter nito ang sobrang pera ng Philhealth ay maaaring gamitin upang taasan ang health benefits ng mga miyembro níto. Si Agri Party-List Rep. Wilbert Lee ay miyembro ng 20 komite sa Kamara.