MASAYA si Pangulong Rodrigo Duterte na nabuwag niya ang oligarkiya sa bansa nang hindi nagdedeklara ng Martial Law.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa mga sundalo sa Jolo Sulu kahapon, sinabi nitong mas magiging madugo pa ang kanyang kampanya laban sa mga oligarchs sa natitirang dalawang taong panunungkulan.
Ayon kay Pangulong Duterte, masaya siyang mamatay dahil nabuwag niya ang oligarkiya sa bansa na matagal nang ginagatasan ang gobyerno maging ang mga Pilipino.
“Ganun nila nilaro ang bayan ko. Kaya ako mamatay, mahulog ang eroplano, I am very happy. Alam mo bakit, without declaring martial law I dismantled the oligarchy that controlled the economy and the Filipino people,” ani Pangulong Duterte.
Inihayag pa ni Pangulong Duterte na sinira niya ang mga taong humawak sa ekonomiya ng bansa.
“Without declaring martial law, sinira ko ‘yung mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit at hindi nagbabayad. They take advantage sa kanilang political power.”
Samantala, iginiit ni Presidential ng Malacañang na hindi “obvious” na mga Lopezes ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na oligarch.
Paliwanag niya na ang mga posibleng tinutukoy ng presidente ay ang mga pinangalanan nito gaya nina Lucio Tan, Ayala group at Manny Pangilinan Group.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE