November 2, 2024

SMC TINIYAK NA LIGTAS ANG PASIG RIVER EXPRESSWAY

Muling pinagtibay ng San Miguel Corporation (SMC) ang pangako nitong na ligtas, maasahan at magiging “sustainable infrastructure” ang ipapatayo nilang Pasig River Expressway (PAREX) na mahalaga para sa pagbangon at pag-unlad ng ekonomiya matapos ang pandemya.

Ayon kay SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, ang 19.37 kilometer road project na magdudugtong sa eastern at western sections ng Metro Manila – mula Rizal hanggang Maynila – ay karagdagan para sa P2 bilyong rehabilitation program na isinasagawa nila sa makasaysayang ilog na sinimulan noon pang Hulyo 2021.

Sa lahat aniya ng mga infrastructure project nila ay palaging binibigyan ng konsiderasyon ang magiging epekto nito sa kapaligiran at nakikipagtulungan din sa lahat ng stakeholder lalo na sa mga komunidad.

 “In all our major infrastructure projects, we always take into consideration the effects on the environment, putting greater emphasis on how we can build the infrastructure while at the same time preserve or enhance the environment. We engage all stakeholders and in particular, partner with local communities to ensure environmental measures and mitigations are successful for the long-term,” pahayag ni Ang.

Nabatid na isang hybrid infrastructure ang PAREX na madadaanan ng mga motorista, public transport, mga siklista at maging ng mga pedestrian para mapaluwag ang trapiko at hikayatin ang iba pang uri ng transportasyon.