Susuporta ang SMC o San Miguel Corporation sa Gilas Pilipinas para sa mga susunod na kampanya nito. Kabilang na rito ang FIBA Basketball World Cup sa 2023. Ayon kay SMC sports director Alfrancis Chua, handa ang company sa anumang tulong.
Kabilang na ang pagpapahiram ng mga players. Gayundin ang mga coaches para sa national squad. Gaya ng pagsuporta ng ibang teams sa PBA. Pinabulaanan din ni Chua ang haka-haka na ayaw nilang magpahiram ng players. Lalo na’t naghahanda na ang bansa sa international competitions.
“Sinasabi na hindi nagpahiram, walang katotohanan ‘yun. Matagal na naming pinag-agreehan ‘yun,” aniya.
“Since a couple of years ago, five years na si Chairman (Vargas), inagree namin ‘yan lahat. Ball boy, puwede nilang kunin, walang problema. Sila ang mamimili.”
“All the teams, from Team 1 to Team 12, kung sino ang gusto nila doon, walang hahadlang. Kahit coach namin, hiramin nila, puwede. Basta ang schedule, sasabihin nila kay Commissioner. ‘Yun lang, tapos okay na,” saad nito.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!