December 24, 2024

SMC NAKAHAKOT NG 1.12 MILYONG TONELDA NG BASURA SA TULAHAAN RIVER SA LOOB NG 2 TAON

OPISYAL nang nakumpleto ng San Miguel Corporation ang kanilang P1-billion Tullahan River cleanup project, na inumpisahan noong 2020 kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang suporta sa flood mitigation efforts ng gobyerno at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay SMC President and CEO Ramon S Ang na sa huling araw ng kanilang operasyon sa Tullahan River, nahakot ng cleanup teams ng SMC ang 1,342 tonelada ng solid wastes, kaya ang kabuuan ay umabot sa 1.12 milyong tonelda ng basura ang kanilang natanggal sa loob ng mahigit dalawang taon na proyekto.

 “We are happy to report that in just a little over two years, we’ve accomplished our primary objectives:  to remove accumulated silt and solid wastes from the river bed, as well as deepen and widen it to increase its water holding capacity to reduce severe flooding,” ayon kay Ang.

Bagama’t nakumpleto na ang Tullahan cleanup project, binigyang-diin ni Ang na ang river rehabilitation efforts ng SMC ay hindi pa nagtatapos. Sa huling araw ng kanilang Tullahan operations, minarkahan din ng kumpanya ang unang taon ng kanilang P2-billion cleanup initiative para sa Pasig River, isa rin major tributary sa Manila Bay.

Nitong Agosto 13, nahakot ng kompanya ang nasa 510, 760 metric tons ng silt at waste mula sa maruming Pasig river, na patuloy nagiging tapunan ng mga basura mula sa mga siyudad sa Metro Manila.

Maraming bahaing siyudad tulad ng Natvotas, Malabon, Valenzuela at Caloocan ang sinasabing makikinabang sa natapos na Tullahan cleanup project ng SMC.