Tiwala ang Philippine Coast Guard na napigil nang pinaigting na pagbabantay ng PCG ang ginagawang small scale reclamation ng China sa Sandy Cay at Sabina shoal na bahagi ng West Philippine Sea.
Sa press briefing, sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa isyu ng West Philippine Sea, na pinuntahan ng kanilang divers ang seabed o ilalim ng karagatang nakapaligid sa Sabina shoal.
May mga nakita aniya silang mataas na ang seabed ngunit sa kanilang pagsukat, hindi na ito nadagdagan.
Maging sa Sandy Cay hindi na rin aniya nadagdagan ang sukat ng mga nakita nilang tambak.
Dahil dito, kumbinsido si Tarriela na nahadlangan nila ang reclamation ng China sa Sabina Shoal.
Aminado ang opisyal na palaisipan sa kanila kung paano nagagawa ng China ang pagtatambak ng mga durog na dead corals, ngunit kapansin pansin aniya na tuwing nagkakaroon ng pulutong ng chinese vessels ay may mga nakikitang tambak ng patay na corals.
Ayon kay Tarriela sa 29 na araw ng pananatili ng kanilang barko sa Sabina Shoal, 44 na chinese vessels ang kanilang namonitor.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?