November 17, 2024

SKYWAY OPERATOR NAG-SORRY SA MATINDING BAHA SA BICUTAN

HUMINGI ng paumanhin ang operator ng Skyway system sa mga motoristang apektado ng pagbaha sa Skyway At Grade (ground level) sa Bicutan, Parañaque City, dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan nitong Miyerkoles ng hapon, na nag-resulta ng matinding trapiko.

Ayon sa Skyway O&M Corp (Somco), nagsimula ang pagbaha sa naturang lugar dakong alas-6:00 ng gabi kahapon.

“These incidents were primarily due to a drainage system problem outside of the Skyway system, which we traced in February this year, due to ongoing construction works in the area that are unrelated to our operations and outside our direct control,” ayon sa Somco.

Tiniyak ng Somco sa publiko na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang government at private sector stakeholders para maibsan ang problema sa pagbaha.

Ayon sa Somco, naglatag na sila ng mga kagamitan at nag-deploy ng maintenance personnel para mabilis ang paghupa ng tubig-baha sa kalsada.

“One of the stakeholders in the area is also currently working on the portion of the affected drainage system within their property, with the contractor committing to finish the outfall this month.”

“We are hopeful that this corrective action will restore the smooth flow of floodwaters to the nearby creek and put an end to the flooding at Skyway At-Grade Bicutan, which has disrupted the traffic flow and greatly inconvenienced our riding public,” ayon sa Somco.

“Historically, this portion of the Skyway System has remained flood-free and we have consistently strived to maintain a smooth and reliable traffic flow for our valued users. Our maintenance teams conduct regular inspections at the drainage system to remove all obstructions such as sludge and garbage,” ipinunto pa nito.