January 12, 2025

Skilled workers sa Navotas, mas dumami pa

MAS dumami pa ang skilled workers ng Navotas matapos ang virtual graduation ng 198 technical at vocational trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute nitong Biyernes.

Sa mga nagtapos, 12 ang nakakumpleto at nagkamit ng national certification (NC) II para sa Shielded Metal Arc Welding; 10, Dressmaking; 13, Housekeeping; 16, Massage Therapy; at 13, Hairdressing.

Maliban dito, 15 trainees ang ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II, at tig-16 para sa Barista at Food and Beverages NC II.

May 25 karagdagng trainees din na nakakumpleto ng Japanese Language and Culture II, habang 50 ang nakatapos ng Basic Korean Language and Culture, at 12 ang pumasa sa Korean Language and Culture II (KOICA).

Hinimok ni Mayor John Rey Tiangco ang mga graduates na patuloy na matuto at pagsikapang iangat ang sarili.

“Seize the opportunity to learn. Our training centers offer various free courses. Enroll and equip yourselves with the right skills to pursue your dream career ,” anang alkalde.

Sinabi rin ng punong lungsod na mas maraming oportunidad sa paghahanapbuhayan ang naghihintay sa mga Navoteño kapag nagsimula na ng operasyon ang Tanza Airport Support Services begins.

“Make sure you are learning the necessary skills and proficiencies to qualify for the jobs that will soon be offered,” ani Tiangco.

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño maging sa mga hindi residente ng lungsod. Ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre habang ang mga hindi residente ay ay maaaring mag-enroll at sumailalim sa assessment exams ng may bayad, depende sa kursong kanilang kukuhanin.