Nominado sa prestihiyosong Asia Skateboarding Awards si Tokyo Olympic hopeful Margielyn Didal.
Napabilang ang pangalan ng Asian Games at SEA Games gold medalist sa shortlist ng ‘Asia Skater of the Year Award’.
Kung papalaring magwagi, magbubulsa si Didal ng $1,500 (P72,000). May iba pang gawad na ibibigay sa 2020 Asia Skateboarding Awards.
Ito ay ang Asia Skater of the Year para sa men’s category, Asia Rookie of the Year award, at Trick of the Year plum.
Nitong nagdaang taon, nagwagi si Didal ng silver medal sa isang online tournament sa Madrid. Inaasahang makakapasok siya sa Tokyo Olympics sa July 2021.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT