BILANG paghahanda sa banta ng COVID-19 Delta variant, bumuo na ng isang task force ang pamahalaang lungsod ng Quezon City.
Ayon sa LGU, tututok ang Task Force sa pagmomonitor ng city’s disease surveillance, active case finding at contact tracing efforts upang masiguro ang epektibong covid response sa lungsod.
Magsasagawa rin umano ito ng assessment sa testing capability sa syudad at quarantine protocols gayundin ang bed capacity sa mga HOPE isolation facilities.
Nauna nang ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte sa Task Force Disiplina ang pagpapaigting pa sa monitoring upang masigurong mahigpit na naipatutupad ang health protocols.
Sa kabila naman ng banta ng Delta variant, isa ang QC sa mga tinukoy ng OCTA Research Group na bumabababa na ang positivity rate
“This is good news for us. We were at five percent a week before the surge happened last February and March. This means that COVID cases and transmissions are monitored and controlled. We hope that this positivity rate would continue to decrease in the coming weeks,” ani Belmonte.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)