SAAN ka makakita ng isang magulang na nalilihis ng ideolohiya na namatayan ng kanyang anak na isinabak sa pakikibaka na ituturing pang bayani ito ng bayan sa halip na pagsisihan ang pagsira ng buhay ng sariling supling na may magandang bukas sana kundi niya itinulak sa kumunoy ng walang kuwentang laban.
Ang ikinamatay na kanyang anak ay sa aktong naghahasik ng terorismo sa kanayunan paano ito ituturing na bayani ng bayan?
Ang pobreng anak ay biktima lang ng maling paniniwalang itinimo ng kayang inang namumuhay ng mariwasa sa kongkretong gubat ng lungsod at pinapasuweldo pa ng pamahalaang kanilang nais pabagsakin habang ang anak ay hinayaang mabuhay sa gubat ng kawalan kapiling ang mga sandatang pangkitil ng buhay sa kalabang taga-gobyerno pati na ang mga inosenteng walang kinalaman sa kanilang ipinaglalaban.
Kahirapan daw at kawalang hustisya ang inilalason sa utak ng mga nire-recruit nilang kabataan na ang sarap ng buhay sa piling ng mga magulang pero dahil sa kanilang sangangdila ay napag-alab nila ang damdamin at tinuturuang maging subersibo at mamundok na senyal na nang pagkasira ng buhay ng kanilang biktima.
Halos mag-isang siglo na ang kanilang pakikibakang pagbabago daw ng sistemang gobyeno bilang komunista kung saan lahat daw ay pantay-pantay.Iisang uri ng damit walang wallet dahil puro sila labor at di uso ang pera kaya walang mahirap walang mayaman pero ang mga namumuno ay daig pa ang mga hari at sa kanila lahat napupunta ang ginto ng estado. Ang tagal nang pakikiaway sa pamahalaan at inabot na ng ugod – ugod na Dyoma sa katandaan ang kanilang founder na lahat na ng gobyernong dumaan ay kinalaban.
Ngayon ay seryoso na ang kasalukuyang administrasyon na huwag nang ispoylin ang kabalbalan ng kaliwa, huwag nang amuin at sila ang patalsikin sa Kongreso at iba pang kinakanlungang institusyon na nakapagtataka na nangunguna pa ang simbahan, negosyo, dilawan, oligarko, mainstream biased media na nagkakaroon ng unholy alliance para ibagsak ang kasalukuyang gobyerno.
Wala namang naniniwala sa tres porsiyentong kinabibilangan nila mula sa mayorya ng bayang nais ng mapayapa at masaganang buhay.
Osbu na ang pasensya ng Pangulong kanilang kinamumuhian na totoo at seryoso sa kanyang pagpuksa sa mga salot ng lipunan na di tulad nilang namuhay- alamang bilang MAKABAYANG BLUFF… Abangan!!!
Lowcut: Ang galing ng biased mainstream media . Nag-rally ang mga magulang ng mga ni-recruit ng mga anak nilang kabataang estudyante at nasira ang buhay pero walang kumober mula sa hanay nila samantalang kapag ang mga pulahan ang nagrarali ay full coverage at pinasisikat ang mga demonyong perwisyo ng bayan na wala namang nakukuhang simpatiya mula sa mamamayan. Bakit sila ganyan?
More Stories
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM