January 22, 2025

Sino-sino ang dapat makasali sa Gilas Pilipinas 10.0? (Analysis)

Ibayong pagsasaayos na ang gagawin ng kinauukulan para sa national men’s basketball team o Gilas Pilipinas. Kaugnay dito, nangako na ng commitment at full support ang ilang sports league at organisasyon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa kapakanan ng Gilas. Kabilang na rito ang PBA, UAAP, NCAA at iba pa.

Layun nitong palakasin, paunlarin at linangin pa ang laro ng national team sa sasabakang kompetisyon sa hinaharap. Hindi biro ang Fiba World Cup 2023, Asian Games, kahit na nga ang SEA Games. Kung noon, tayo ang hari rito, ngayon, kinakain na tayo.

Kaya, dapat itong seryosohin at paghandaan. Dahil ang ipinadadala ng ibang bansa rito ay yaong mga pinakamamagaling na players sa kanila. Kaya, bakit tayo magpapadala ng mahina? Kaya, yung the best na para sa Fiba Qualifiers hanggang sa Fiba World Cup.

Maaaring sa pag-asembol ng Gilas 10.0 (dahil ikasampu na ito sa pagbalasa o pagpapalit o asembol ng players sapol noong 2014)— maaaring paghaluin ang PBA, UAAP, NCAA at ipa ang players na magagaling rito para bumuo ng line-up. Pumili muna ng 24 players at salain,  hanggang sa maibaba ito sa 12 o 14 players.

Pinaghalong veteran at batang players para balance sa opensa at depensa. Pwedeng isaksak muna sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Roger Pogoy, Baser Amer, SJ Belangel, Dwight Ramos, LeBron Lopez, RJ Abarrientos, Isaac Go, Poy Erram, Thirdy Ravena, Christian Standhardinger, Mikey Williams, Chris Newsome, Scottie Thompson, CJ Perez, Kai Sotto at Jordan Clarkson. Maaaring may magdagdag pa rito o maikamadang iba.