January 23, 2025

SINO ANG SUSUNOD NA PNP CHIEF?

PALAPIT na nang palapit ang araw na iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong uupong Philippine National Police.

Inilatag na nga ni Interior Secretary Eduardo Año ang shortlist ng mga kandidato para sa magiging susunod na hihiranging pinuno ng ating Pambansang Kapulisan.

Magreretiro na kasi sa serbisyo sa Setyembre 2 itong si PNP Chief Archie Francisco Gamboa.

Iyan ay kung hindi mai-extend ni Pangulong Duterte sa puwesto ang mama.

Meron nang tatlong pangalan na nakapila sa listahan at isa sa kanila ang may masuwerteng kapalaran kung mapili ni Digong.

Ito ay sina Lt. Gen. Camilo Cascolan, deputy chief for administration and head of the Administrative Support to COVID-19 Operation Task Force (ASCOTF); Lt. Gen. Guillermo Eleazar, deputy chief for operations and commander of the Joint Task Force Covid Shield; and Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, chief of the PNP.

Dapat kilitasin, himayin, sanang mabuti ang bagong PNP chief.

May the best man win para sa pinagpipiliang PNP chief. Para sa akin seniority sa tatlo ay magandang piliin, may maganda ring background at siyempre no criminal complaint filed in court.

Ilang tulog na lang at ingunguso na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang magiging PNP chief.

Abangan…

o0o

JADE TANBELADA JAMOLOD, SWAK NA SWAK BILANG ASEC NG DSWD

Congrats nga pala sa bagong assistant secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Jade Tanbelada Jamolod.

Nanumpa na siya sa kanyang puwesto matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Jamolod ay tubong Zamboanga at isa sa pinakamasipag na public servant ng lokal na pamahaalaan sa nasabing lugar.

Kaya bagay na bagay si Jamolod sa ibinigay na posisyon sa kanya ng ating mahal na Pangulo na tiyak na magagampanan niya nang maayos.

Hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito para mapaglingkuran ang lahat lalo na ang mahihirap nating kababayan.

Goodluck and congratulations Asec. Jade Tanbelada Jamolod. Mabuhay ka!

o0o

Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09460243433 o mag-email sa [email protected].