NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa ipapatupad na single ticketing system sa National Capital Region (NCR).
“We fully support the single ticketing system. Having a uniform policy on traffic violations will benefit our driving public, preventing confusion on the amount to be paid and easing payment of penalties”, sa statement ni Mayor Tiangco.
“Our Sanggunian is already preparing to pass an ordinance to adopt the Metro Manila Traffic Code”, dagdag niya.
Nabatid na sisimulan na sa Abril ang pagpapatupad ng single ticketing system NCR, ayon sa Metro Manila Council (MMC) matapos aprubahan ng MMC ang Metro Manila Traffic Code na gagamitin para sa single ticketing system sa NCR.
Dahil dito, kailangan amyendahan ng mga Local Government Unit (LGU) na kasama rito ang kani-kanilang mga ordinansa na may kinalaman sa mga polisiya sa trapiko hanggang Marso 15.
Layon ng single ticketing system na magkaroon ng iisang polisiya para sa mga traffic violations at penalty system sa rehiyon, o ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag