SISIKAPIN ng koponang Bayabas Kennel- LEAP na sundan ang naitalang unang panalo sa kanilang pagharap sa mapanganib na Mc Sports Management team sa pagpapatuloy ng elimination round ng Sinag Liga Lakas Kwarenta ngayon gabi sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City, Bulacan.
Magtatapatan ng puwersa ang mga bigating ex- PBA na sina Braulio Lim ng Leap at Wynne Arboleda ng McSports upang pangunahan ang kani- kanilang koponan na manatili sa kontensiyon ng pinakabagong ligang inorganisa ng Sinag Liga Asya sa pangunguna ni chairman Rocky Chan, president Ray Alao at commissioner Rodney Santos.
“Try lang po namin maging consistent sa system namin and mas maging confident sa isa’t-isa para maging maganda ang game namin against MC,” wika ni head coach Airness Rhei Jordan Alao.
Ang tropang Bayabas Kennel LEAP na pag-aari ni Mhy -Mhy Recoter ay binubuo nina Randy Guingab, Gene Boy Ramos, Marion Burla, Ronald Tapar, Garry Zapanta, Benjo Almadin, Chris Miras, Alvin Del Ponso, Ariel Caranog, Alex Candelaria , Adriel Dugay, Marlon Recoter, Choi Angeles, Alden Ricafranca, Reggie Lleses, Lim, Eugene Magcale, Juan Taguiam, at Anthony Cuevas.
Bench tactician ni head coach Airness Rhei Jordan Alao kaagapay sina Kim De Pedro, Bernard Jacob De Pedro, MJ Mercado.
Si coach Airness ay naging varsity player ng champion team sa NAASCU na AMA Titans at Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers sa NCAA.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI