April 19, 2024

Sinabihang mukhang matanda… NADINE SA BASHER: AT LEAST ‘DI KASING DUMI NG UGALI MO

Nadine Lustre (Instagram)

May kinalagyan ang isang netizen sa aktres na si Nadine Lustre matapos nitong punahin ang kanyang itsura.

Sa Twitter, nag-react ang sexy star sa comment ng isang @wokegirlash: “Gurl ang dumi at dry kasi ng balat mo kaya mukha kang matanda.

Reply naman ni Nadine: “atleast di kasing dumi ng ugali mo.”

Nagsimula ito dahil nag-tweet si Nadine kung bakit daw ‘yung iba, nagtatakang bakit daw mas older na siyang tingnan.

“I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? I’m turning 29 next week,” ayon sa aktres.  

Sa Okubre 31 na ang birthday ni Nadine.

Marami namang fans ang nagsabi kay Nadine na huwag nang pansinin ang mga bashers dahil maganda pa rin siya at mas mukhang bata kaysa sa kanyang edad.