NAITAMPOK ang isang QCtizen sa “Transforming Cities series” ng C40 Cities at prinoduce para sa kanila ng BBC Story Works Commercial Productions dahil sa simple nitong pamamaraan para maibsan ang epekto ng global climate change.
Highlights sa naturang serye, na inilunsad noong Oktubre 2022, ang community action at innovation sa iba’t ibang siyudad sa mundo upang tugunan ang krisis sa klima. Ipinapakita rin dito ang mga siyudad na patungo sa ligtas, luntian at mas malusog na kinabukasan para sa lahat.
Ang kuwento ay umiikot sa buhay ni Naly Ramos Albino, 60-anyos na small business owner mula sa Barangay Culiat na naging isang “ecowarrior” at aktibong nakikibahagi sa “Trash to Cashback” initiative ng Quezon City.
Naging kaisa si Albino sa programa simula nang magkaroon ng pandemya nang mapansin niya ang dami ng basura na naipon sa mga basurahan na malapit sa kanyang tindahan at sa labas ng basketball court. Dahil sa kanyang determinasyon na mag-ambag sa isang mas responsableng komunidad sa kapaligiran, nagkusa siyang bawasan ang dami ng basura sa kanilang lugar.
Nang marinig niya ang Trash to Cashback scheme, sinimulan niyang mangkolekta at paghiwalayin ang recyclable materials at single-use plastic.
Hindi siya nagdalawang-isip na dalhin ang mga basura sa malapit na recycling point at nakakuha ng valuable na ‘Environmental Points’.
Ginamit ni Albino ang environmental points para ipambili ng kanyang mga pangangailangan, paninda sa kanyang tindahan, at pambayad sa kanyang utility bills. Nahikayat niya rin ang kanyang komunidad na gawin din ito; kasama na rito ang kanyang mga customer.
Nagpapasalamat naman si Mayor Joy Belmonte kay Albino na naging inspirasyon sa kanyang kapwa QCitizens.
“Aling Naly’s simple way of saving the environment will truly inspire more people and even influence more organizations and policymakers to do their part. Our collective action is essential as we gear towards an ambitious, evidence-based, transformative, and inclusive climate solution for all,” saad ni Mayor Belmonte.
Mapapanood ang istorya ni Albino sa www.transformingcitiesseries.com. Maari rin itong i-share sa official pages ng C40 Cities at Quezon City Government.
Simula 2015, ay naging aktibong miyembro na siyudad ang Quezon City ng C40 Cities Network na nakatuon sa paglaban sa climate chante at nagpo-promote sa climate justice.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag