Kinontra ng Kabataan party-list ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isabatas ang Sim Card Registration Bill.
Kinontra ng Kabataan party-list ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isabatas ang Sim Card Registration Bill.
Ayon sa kanilang pahayag, sinabi ni Kabataan na wala naman maidudulot na maganda ang nasabing batas at maaring gamitin lamang ng gobyerno sa mali ang kanilang mga makukuhang impormasyon.
“Mariing kinukondena ng Kabataan-Partylist Metro Manila ang pagsasabatas ng Sim card registration act. Wala itong maidudulot na mabuti para sa sambayanan kundi mas matinding pangamba para sa kanila dahil malaya ang mga ahente ng estado sa mga sensitibong impormasyon na lumalabag sa karapatan ng mga ito sa kanilang privacy.” sabi ng nasabing grupo.
“Hindi rin nito malulutas ang mga agam-agam ng mga mamamayan kontra sa pang-scam at fraud dahil maaaring gumamit ng pekeng pagkakakilanlan ang mga may pakana ng mga scam.” dagdag pa nila.
Matatandaan na si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang isa sa mga kumontra sa nasabing bill sa kongreso.
Samantala ay sinabi naman noon ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na isa sa mga sponsor ng nasabing bill na kakampi ng CPP-NPA-NDF ang mga kontra sa Sim Card Registration.
“Yan talaga ang papel ng grupo na yan kaya nga tinatawag na legal front para legal silang makagawa ng hakbangin tungkol sa kanilang objective which is to bring down the duly constituted government,” ani Dela Rosa.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI