
TARGET ng Kongreso na maisabatas ang SIM card registration bill bago matapos ang taon sa harap ng mga naglipanang text scam, ayon kay House Committee on Information and Communications Technology chair at Navotas Rep. Toby Tiangco.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Tiangco na inaasahang lulusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Subscriber Identity Module (SIM) card registration bill bago mag-recess ang Kongreso simula Oktubre 1.
“Tingnan natin kung maipapasa ngayong September pero definitely within the year, kasi babalik naman kami ng November, magiging batas yan,” sabi ni Tiangco.
Idinagdag niya na tanging mga pre-paid at postpaid lamang ang isasailalim sa mandatory registration at hindi kasama ang social media.
More Stories
Abalos, Reyes, Manalo bibigyang ningning ang Hagdang Bato billiardfest sa Mayo 4
“Ako o si Isko”: Sara Duterte nagpahiwatig tatakbong Pangulo sa 2028 sa Isko rally
2 arestado sa high-grade marijuana sa Caloocan