Ang Pasko nga ay sasapit at excited na ang lahat. Nagkalat na po ang mga kawatan sa mall. Sila ang mga mandurukot na normal lang na umiikot sa mga tindahan at nagmamatyag sa mga naglilibang na humahanap ngabibiktima.
Noong Nobyembre 19, may biniktima ang mga mandurukot sa Daiso sa Robinsons Magnolia. Nadukot ang wallet ng biktima,kasama ang lahat ng ID at credit card ng pobre. Ang nakakangitngit, tila ang management ng Daiso ay walang concern sa kanilang mga customer.
Nang tanungin ang manager kung may CCTV,meron daw, pero hindi gumagana. Karagsagan pang dahilan, dead spot ang lugar, kung saan ninanakawan ang kanilang mga customer.
Sa madaling salita mga Cabalen, sa mismong araw ng insidente, walang napala kay manager at inaksaya ang oras ng biktima. Tumuloy sa security office ang biktima at nagpa-blotter.
Pero, dahil lumakad na ang oras, nagamit na ng mga kawatan ang credit card. Sa pagitan ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi, nagamit ng mga kawatan ang credit card sa tatlong tindahan.
Nakapamili ang mga mandurukot ng 6 na pirasong Vivo Phone. Ang tatlong Vivo phones na nagkakahalaga ng mahigit sa P59,000 libong piso ay binili sa VIVO Outlet sa Trinoma. Ang tatlong iba pa ay binili naman sa Silicon Valley sa Ayala Vertis, na nagkakahalaga ng mahigit sa P59,000 libong piso.
Habang nasa mahigit na P9,000 na libo naman ang pinamili sa Corkcicle. Ang nakaiirita rito mga Cabalen, sa ganitong kalaking halaga ng mga pinamili hindi pinairal ng mga VIVO, Silicon Valley at Corkcicle ang protocol sa paggamit ng credit card.
Ibinigay ng mga kawatan ang nakaw na credit card, humingi daw ng ID. Siyempre pa, ibinigay ang nakaw na ID mula sa wallet na ninakaw, ang mga ungas na kahera ang dahilan nagpakita naman daw ng ID; kahit hindi pa nila ito binirepika!
Hindi man lamang tiningnan ang mukha kung pareho ang ID at ng bumibili!
Natuwa ang mga bobong kahera at manager ng VIVO at Silicon Valley dahil sa panahon ng pandemic, walang bibili sa kanilang tindahan ng malaking halaga! Di ba nakakangitngit mga Cabalen? Kung sa atin mangyari ang mga bagay na ito!
Habang ang Corkcicle naman ayon mismo sa tindera ay hindi na naghanap pa ng ID! Mga buwisit kayo! Kaya hindi tumitigil ang mga kawatan dahil din sa inyo!
Tayo pong mga gumagamit ng credit card sa ating experience, kapag malaki ang halaga ng ating binibili naku dalawang ID ang hinihingi! Bakit pag mandurukot ang bumibili ang luwag ng inyong batas?
Kung minsan makapag-iisip tayo na di kaya kasabwat ng mga tindahang ito ang mga kawatan kaya ganito kaluwag? Sapagkat sila ay bayad na ng bangko sa sandaling nakaskas na ang credit card!
Ang pobreng biktima naman ang magdurusa sa sandaling hindi tanggapin ng bangko ang isinumiteng dispute ng biktima!
Kaya mga Cabalen ngayon Pasko, kung excited tayo sa pamimili at paglilibang sa mall, mas excited ang mga mandurukot at mga manloloko! Pangalagaan po ang ating seguridad. Huwag magtiwala! Nakasampa na din po ang reklamo hinggil sa kasong ito!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!