
Patay ang isang siklista matapos mabangga at magulungan ng isang tracktor head sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilala bilang si Dexter Cabug-Os, 41, painter ng 26 Malaya St., Brgy. 28, ng lungsod.
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Mitsubishi Tractor Head na may plaka (NGA3241) na kinilala bilang si Jeffrey Bombales, 34 ng Bacoor Cavite.
Sa nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, binabagtas ng biktima sakay ng kanyang bisikleta ang kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue at pagsapit sa kanto ng Lapu-Lapu Avenue, Brgy. 8 dakong alas-8:48 ng gabi ay aksidenteng nabangga ng sasakyan na minaneho ni Bombales ang likuran bahagi ng biktima. Nang bumagsak ang biktima, nagulunga pa siya ng kanang gulong ng tractor head na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang sumuko naman si Bombales sa pulisya.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay