December 8, 2024

SIKARAN ASSOCIATION MARAPAT NANG KILALANING NSA NG POC – CUEVAS

NANAWAGAN sa kinauukulan si Tanay Raven Sikaran founder/ president at Global Sikaran Federation (GSF) official Master Crisanto Cuevas na pagtuunan na ng kaukulang rekognisyon ang kanilang larangang pinamumunuan bilang ìsa sa lehitimong miyembro ng national sports association (NSA) kapamilya ng Philippine Olympic Committee(POC).

Ayon sa Sìkaran leader sa bansa na si Mstr. Cuevas, kung saan ay pasimuno siya sa pagpapalawig ng sport na lehitimong itinatag ng Pilipino ilang siglo na ang nakaraan sa kanilàng lalawigan, marapat nang kilalanin ng kaukuĺang sports leaders sa bansa ang sikaran nila upang makapàg-tunggali na sila sa international competitions dahiĺ ang sikaran ay lumawig na rin sa ibang bansa sa pagsisikap nina Master Cuevas at sa timon ni GM Hari Osias Catolos Banaag sa pamamagitan ng itinatag na Global Sikaran Federation (GSF).

 “Panahon na para kilalanin ng ating sports leaders bilang kapamilya na ng national olympic commitee ang ating sikaran. Optimistiko tayong  si POC president Abraham ‘Bambol Tolentino ay maluluklok muli para sa kanyang bagong mandato bilang pangulo ng POC kaya ating pinararating na sa kanya ang ating kahilingang rekognisyon,” pahayag ni Master Cuevas sa panayam.

Kapag may ķaukulang rekognisyon ang kanilang sikaran bilang NSA ay mas made-develop ang kanilang mga atleta upang makapag-ambag ng karangalan sa bansa sa hinaharap sa tulong na rin ng sports governing agency na Philippine Sports Commission (PSC).

 Mayroon kasing nagtangkang nqgpakilala na sila ang tunay na sikaran na pinagbigyan ng pagkakataong kilalanin pero nagdaan ang panahon ay ‘di naman sila aktibo, walang torneo kaya kung di kami kumilos na mag-organisa ng sikaran nationwide ay ‘di na sisipa ang sikaran. Itong papasok na bagong taon ay sisikapin naming sisikad na ang atin Sikaran in action,” ani pa Cuevas. (RON TOLENTINO)