May 16, 2024

Sigaw ng netizen… BF NI VICE GANDA NA SI ION, KILOS BAKLA NA RIN

HINDI matanggap nitong si Ion Perez ang panghuhusga sa kanya nang mga netizens na ‘di umano’y bakla na raw itong si Ion na kilalang boyfriend ni Vice Ganda.

Pero hindi ito pinalagpas ni Ion Perez at sinabing, “bakla agad naka cross legs lang. Grabe naman kayong makapanghusga sa kapwa ninyo.”

Halatang hindi nagustuhan ni Ion Perez ang pukol sa kanya ng mga netizens na walang magawa kung hindi ang tuligsain ang kanyang mga ginagawa.

“Kung hindi mo sila sasagutin mamimihasa, kaya kung ano man ang post nila hindi ko rin iyon dapat palagpasin. Wala naman akong ginagawa sa kanila, hindi ko rin naman ugaling manira, bumira ng aking kapwa. Tao rin naman tayo, kaya nasasaktan din naman ako ibinabalik ko lang kung ano iyong maling ginagawa nila sa akin,” pahayag ni Ion.

Tinanong din ang reaksiyon nito kaugnay na si Ion na raw ang bagong BB Gandang hari.

“Aba nakapagluto ka na ng adobo?? Ubos na ba ang basura sa brgy niyo?? Hahahaha”

“Kamukha mo aso mo! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!”

“Isa pa tong mukhang tarapal ng motor! Pero wag na ikaw alala ikaw may pakinabang kasi lagi ulan ngayon ok???”

“Bitter lang sila, hayaan na lang natin. Ako naman hindi naman ako nagpapaapekto sa mga iyan, kung papatulan ko pa iyan wala rin naming mangyayari. Basta ang mahalaga sa akin, Masaya ang buhay ko at bless na bless ako. Mga bitter ang mga iyan, na hindi na lang dapat na pag-ukulan pa ng panahon at oras.”

Halatang nasaktan si Ion sa mga birada ng mga bashers niya.