KABIGUAN dahil sa patuloy na mababang kalidad na serbisyo sa elektrisidad ang nagpasidhi sa panawagan ng higit sa 22,000 residente ng bayan ng Nasugbu sa lalawigan ng Batangas na kumakatawan sa 70 porsiyento ng subscribers ang sumisigaw ng komprehensibong pagbabago lakip ang petisyong ibasura na ang BATELEC 1 sa halip ay ipalit na ang serbisyo ng Meralco.
Sa mga nakaraang buwan, ang Nasugbu ay dumaranas ng madalas at mahabang brownout kung saan ang ‘voltage fluctuations’ ay malaking epekto at dahilan ng pananalasa sa pagsira ng mga appliances at iba pang kagamitan sa bahay na dumedepende sa kuryente gayundin ang dahilan ng pagkalugi sa sektor ng negosyo.
Ang pagbuhos ng mga reklamo ay imposble nang balewalain dahilan upang ang mga residente ay isulong sa kanilang alkaldeng si Mayor Tony Barcelon na pangunahan ang pakikipag-dayalogo sa Meralco.
Ang suporta sa petisyon ay binibigyang diin ang walang humpay na determinasyon ng mga residente ng Nasugbu upang matiyak at makamit ang mas maliwanag na bukas.
“This isn’t just about electricity; it’s about uplifting our livelihoods,” sambit ng mga nagpe-petisyon kinapapalooban ng sentimiyentong maugong sa buong munisipalidad.
Walang kapagurang ipinararating ni Barcelon ang karaingan ng kanyang nasasakupan sa BATELEC I at ang tunay na ahensiya ng pamahalaang may timon sa kooperatba sa elektrisidad.
Sa isang ulat na inilabas ng Regioneer, nangungunang pahayagan sa Batangas, tinawagan ni Barcelon ang BATELEC I na makipag-ugnayan sa lokal pamahalaan at ilatag ang mga opsyon para mailipat na ang serbisyo ng elektrisidad sa Meralco.
Habang lumalakas ang pagkilos at nakukuha na ang momentum, Lalong tumatatag ang paninindigan ng mga residente ng Nasugbu para makamtan ang de-kalidad na serbisyo sa elektrisidad at ito ay magbubunga lamang ng positibo sa komprehensibong suporta ng mga lider ng pamahalaan.
“Nasugbu stands united, echoing the voice of over 22,000 signatures, demanding nothing short of excellence in electricity services. Together, we urge a transition to MERALCO, symbolizing our unwavering pursuit of quality power for our progressive community,” ani pa Barcelon.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA