ANO nga ba ang masama sa paglangoy kasama ang mga dolpin at magsaya sa ilalim ng araw?
Maaring kasama ito sa listahan ng bucket list ni Presidential spokesperson Harry Roque, subalit naging malaking isyu ito para sa Earth Island Institute (EII), dahil tila pinapaboran ng opisyal ang malalaking negosyo na sumusuporta sa “captive animal entertainment.”
Naging laman sa social media itong si Roque nang lumabas ang kanyang larawan kasama ang mga bottlenose dolphins na ipinost sa Facebook page ng Ocean Adventure marine park sa Subic, Zambales.
Binura kaagad ang naturang larawan, pero hindi ito nakalusot sa matatalas na mata ng mga netizen kaya kinuhaan nila ng screen shot si Roque na nakasuot ng rash guard habang nagtatampisaw kasama ang mga dolpin.
Inupakan din si Roque ng mga netizen dahil sa umano’y pagiging “sarap-buhay” ng naturang opisyal habang ang karamihan sa ating mga kababayan at ang mga stranded na indibidwal ay babad sa matinding init ng araw at nagdurusa sa paghihigpit sa ilalim ng pinapairal na community quarantine.
Humingi ng tawad si Roque sa kanyang paglanggoy sa Subic, at tiniyak niya sa publiko na hindi niya nilabag ang anumang health protocols, kahit na napitikan siya ng larawan na nakikipag-usap sa ilang tauhan ng nasabing park na walang suot na protective mask.
“Even though I did not violate any regulation, I recognize that some were offended by the photos. To those who were offended, my apologies. I am only human. My work has no weekends. So if a break is needed, you do it whenever possible,” paliwanag ni Roque.
Pero nanawagan pa rin ang EII sa gobyerno na papanagutin si Roque sa kanyang naging aksyon, sapagkat ito raw mga bottlenose dolphins ay protektado sa ilalim ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES), na isang international treaty kung saan ay signatory state ang Pilipinas.
Sa ilalim ng Fisheries Code ng bansa, bawal ang paghuli, pangingisda, pagkuha, pagbenta, pagbili, mag-transport, mag-export ng mga hindi karaniwan o nananganib na species, kabilang na ang dolphin na nabanggit.
More Stories
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
PHILHEALTH NA MGA KAMOTE WALANG SILBI