May 9, 2024

SI JILLIAN WARD BA O SI SANYA LOPEZ ANG MAY ‘K’ SA DARNA PROJECT?

FOR sale na nga ba ang rights ng ‘Darna’? Shutdown na ang ABS-CBN, kaya hindi na nila ito magagawa pang maituloy dahil lugi na ang nasabing network. Kung maibalik nga ito sa GMA-7, sino raw ba kina Jillian Ward o Sanya Lopez ang may ‘k’ sa ‘Darna project’?

Mas marami ang pumabor kay Jillian Ward na mapunta sa kanya ang Darna project, at pumangalawa lamang si Sanya Lopez. Kung ganda at sexy ang paguusapan pareho naman silang may taglay n’un, pero lumamang pa rin si Jillian.

Ang problema sa dalawa, si Jillian Ward ay sobra pang bata at hindi pa bagay sa kanya ang nasabing project. Si Sanya Lopez naman, mukhang hindi siya ang feel sa Darna project. Baka habang pinag-uusapan iyan ay lalong mabinbin ang Darna project, dahil hindi pa naman binebanta ang rights nito.