November 3, 2024

SHS VOUCHER PROGRAM, MALAKING TULONG SA MGA MAG-AARAL

Mainam ang SHS Voucher Program na inilatag ng kinauukulan para sa mga mag-aaral sa high school. Ang Senior High School Voucher Program (SHS VP) ay isang financial assistance program. Sabihin mang isa man itong kapiraso ng papel; pero may value o malaki ang pakinabang.

Kung saan, ang ayuda ay ipinamamahagi sa qualified SHS learners. Maging ito man ay mula sa participating private o non-DepEd public SHSs. Malaking tulong ito sa mga estudyante para sa kanilang pag-aaral. Sa ganitong paraan, may magagamit silang panggugol sa kanilang pagtuklas ng karunungan.

Ang Private Education Assistance Committee (PEAC) ang nangangasiwa sa programa. Na mismong DepEd ang nag-atas dito upang isagawa ang Fund for Assistance sa Private Education (FAPE).

Para makasama sa assistance, kinakailangang maglatag ng mga dokumento.Maaari ring mag-aaply sa online portal ng PEAC ang mga interesado. Kasama na rin ang incoming Grade 11 students ngayong 2022-2023 school year.