DINAIG ng dayong pool shark na si Ko Pin Chung ng Taiwan ang pambatong Pinoy na si Michael Feliciano 17-13 sa finals ng 1st SHARKS Invitational 9-Ball Open Linggo ng gabi sa Sharks Arena sa Quezon City.
Sa pagtumbok ng maugong na mensahe ng mabigat na paboritong si Chung, kinuha niya agad ang rack 1 via runout.
Sumagot naman si Feliciano ng Team Pacquiao upang saklitin ang bentahe 2-1 sa naunang error ng Taiwanese bet. Bahagyang umangat si X-44 Feliciano sa 6th rack sa runout nito para sa 4-2 bentahe ng Pinoy bet.
Nakakuha ng pagkakataong makabawi ni Chung sa kanilang battle of safety shots sa 8th rack upang dumikit ang batang Taiwan sa mapanganib na Pinoy pride 3-5, tungo sa 5-5 deadlock sa 10th rack.
Humigpit pa ang bakbakan mula 11th rack hanggang 26th, 13-13 tie. Bumangis ang Taiwanese magmula doon kung saan ay ipinamalas na niya ang kanyang surgical precision upang di na mabigyan ng pagkakataong huminga pa si Feliciano at mapigil ang potensiyal na balikwas patungo sa pagsaklit ng kampeonato ni Chung at mapagwagian ang taginting na $35,000 top prize at eleganteng tropeo mula Sharks.
“Focus is the key, Filipinos are great players that’s why I played a notch higher to win this title”, wika ng 28-anyos na Chinese TaIpeh pride sa panayam.
Ang pambatong Pinoy katulad ni Chung ay nanalasa ng 6 na biktima bago sila nagtagpo sa finals ng torneong may basbas ng Games and Amusement Board (GAB) at suportado ng Winzir, Lucky Break, Andy Premier Cloth, Handtimes at WND.
Pinagningning ang grandeng awarding ceremony nina Quezon City Mayor Joy Belmonte(pangunahing taga- suporta ng sport na billiards di lamang sa Quezon City kundi psti sa buong bansa),QC Councilor Alfred Vargas ,Himamaylan ,Negros Occidental Mayor Rogelio Tongson at Games and Amusement Board( GAB) chairman Richard Clarin.
“Breaks, dun ako naiwanan. Magaganda naman ang tira ko pero inalat sa dalawang dry breaks kaya siya nakaalagwa sa bandang huli.” sambit ng 37- anyos na si Feliciano na nagpasalamat kay Senator Manny Pacquiao sa suporta niya sa kaniyang laban kabilang na ang kaniyang misyon sa nalalapit na Vietnam 9 ball Championship.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA