
NAGPANAYANIG ang Taguig sa buwenamamong torneo ng Sharks Billiards Association (SBA) Championship matapos ungusan ang Manila sa game 5 (3-2) finals na sumargo kamakalawa ng gabi sa Sharks Arena and Sports Bar sa Tomas Morato, Quezon City.
Ang tropang Taguig Stallions ay kumikig sa game 2 matapos silang madisgrasya sa game 1 ng Manila Mavericks sa kanilang bakbakang “king of the hills”.
Bumalikwas ang Manila MSW Mavericks sa game 3 sharks doubles na tinapatan naman ng Taguig sa game 4 Sharks doubles upang mauwi sa rubbermatch one-on-one sa pampinaleng game 5 ng sarguhang may basbas ng Games and Amusement Board (GAB).
Tinanghal na player of the game (5) si Stallion Rodrigo ‘Edgie’ Geronimo sa kanyang sterling performance na 2 golden breaks, 81% win rating at 97% overall rating upang akayin ang Taguig sa makasaysayang kampeonato ng torneong inorganise ni SBA CEO/founder Hadley Mariano katuwang si SBA Marketing Director George Ho
Binubuo ang champion team nine Geronimo, Micheal Dimples Quinoy, Demosthenes Pulpul, Bryan Saguiped at Jaynard Orque.
“Team effort at suwerte na rin. Golden breaks ang susi ng aming tagumpaý malagas na katunggali,” Geronimo na instrumento sa pagdurog sa Jonas “silent killer” Magpantay-led Mavericks. (DANNY SIMON)
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na