NABALIAN ng presyosong tako at pin ang Sharks Billiards Association sa pagpanaw ng isang haligi nito noong Sabado ng gabi.
Nagluksa ang sports community partikular ang SBA kung saan ay siya ang tumatayong Commissioner ng kauna-unahang professional na billiards league sa bansa at sa mundo na rin kung saan ang larong billiards ay kilala ang Pilipinas sa di na mabilang na world class poolmasters at nakapag-produce ng mga kampeon sa daigdig.
Ang SBA ay naitatag ni founding CEO Hadley Mariano, dating billiards varsity player, event organizer at anak ni sports icon Perry Mariano kung saan ay unanimously mula sa naturang pro-league ay pinili si Manolo “Chino” Trinidad, beteranong sports broadcast journalist at commentator.
Siya ay 56 anyos bilang buwenamanong commissioner.
“Nakalulungkot isipin na wala na ang isang valuable partner natin sa sasambulat nang SBA at sa sports community na kung saan ay tanyag siya sa kanyang propesyon.
Sayang at di na makikita ni Chino ang umpisa ng ating SBA.Ang dami naming pinlano at marami na rin siyang naitulong sa amin.Part na rin ng legacy niya ang SBA”, wika ng batang Mariano.”The show must go on kaya ang ating SBA Draft ay sasargo na sa Agosto 2 sa Gateway , Cubao sa Quezon City.
Si Trinidad ay binawian ng buhay (cardiac arrest) habang patungo sa kanyang mahalagang pulong sa Newport World Hotel at nabigo nang i-revive ng mga doktor sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay.
Ang anak ng batikang kolumnista at sportswriter Recah Trinidad na si Chino ay naging commissioner din ng defunct Philippine Basketball League (PBL) at kinukusiderang isa sa mga popular sports commentators sa professional sports kabilang na ang kanyang stints sa Philippine Basketball Association (PBA), bilang longtime announcer sa mga di na mabilang na amateur at professional boxing matches partikular ang mga laban ni Filipino boxing icon, Manny Pacquiao at ang long-running show, Blow By Blow. Naging sports reporter ng GMA News at ang radio subsidiary nito na DZRH.
Si Trinidad ay isa rin sa founding members ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ang national sports association sa basketball sa Pilipinas. Bagama’t sobrang abala sa preparasyon sa pagsambulat ng SBA, bago siya sumakabilang-buhay, si Trinidad ay nagka-panahon ding mag-produce ng documentaries tampok ang “Duyan ka ng Magiting.”
“Nawalan man tayo sa Sharks Billiards Association ng isang magiting na Chino Trinidad, ang kaniyang adbokasiya ay isa nang legasiya sa larangan partikular sa mga bilyaristang ating matutulungan sa aspeto ng kabuhayan,”ani pa Hadley Mariano. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA