SWAK sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kasong murder matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng District Special Operation Unit (DSOU) kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 27-anyos na lalaki na resident ng Valenzuela City at kabilang sa talaan ng mga most wanted persons ng Caloocan.
Bumuo ng team ang DSOU, katuwang ang NPD-DID saka ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:12 ng hapon sa Tullahan Bridge Barangay 160.
Ayon sa DSOU, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Regional Trial Court (RTC) Branch 129, Caloocan City, noong April 18, 2024, para sa kasong Murder. Pansamantalang nakakulong ang akusado sa custodial facility unit ng DOSU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
More Stories
Ex-Davao warden binati ni Digong… 3 CHINESE DRUG LORD, GINAWANG DINUGUAN
Kris babalik sa Pinas… TULOY ANG LABAN
PUP-MPAMS KAMPEON SA 1ST YMCA WOMEN’S BASKETBALL CHAMPIONSHIP