November 23, 2024

SHARE NG 3 LUNGSOD  SA BENTA NG LOTTO, NAIBIGAY NA – PCSO

NAIBIGAY na ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang mahigit na dalawampung milyong pisong share ng Quezon City, Marikina City at Pasay City sa benta ng lotto.

Ayon kay PCSO Vice Chairman and General Manager Melquiades A. Robles, nai-turnover na sa tanggapan ni QC Mayor Joy Belmonte ang Php16,305,343.79 na kumakatawan sa lotto shares mula Enero hanggang Hunyo 2022.

Kasama ni GM Robles sa pagbisita sa tanggapan ni Mayor Belmonte at naghatid rin ng nasabing halaga si PCSO National Capital Region (NCR) Department Manager Josefina Sarsonas – Aguas.

Sinabi ni Robles na layon nang pagdalaw sa Quezon City na palakasin ang ugnayan ng PCSO at QC LGU at suporta sa susunod na anim na taon.

Nagpapasalamat naman si Mayor Belmonte kay GM Robles at sa buong PCSO Family sa natanggap na halaga na aniya ay ipapasa sa Social Services Development Department para makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan lalo na ang mga naapektuhan ng pandemya, dengue at leptospirosis na uso ngayon dahil nasa panahon ng tag-ulan.

Tiniyak din ni Mayor Belmonte ang buong suporta sa PCSO. Samantala bukod sa Quezon City ay binista rin ni GM Robles ang Lungaod ng Pasay at Marikina na naibigay na rin ang shares sa lotto sales na Php 2,699,755.55 sa Marikina City habang Php 3,516,605.00 sa Pasay City para sa unang semester ng 2022.

Pinangako nina Mayor Marcelino Reyes Teodoro at Imelda Gallardo Calixto-Rubiano kay GM Robles na gagamitin ang nabanggit na pondo sa iba’t ibang charity and health care programs ng kanilang mga nasasakupan lalo na ang mga nagdarahop.