April 24, 2024

SERYE NI JILLIAN WARD BALIWAG, BULACAN ININSULTO AT GINAWANG TAPUNAN NG MGA BALIW

UMALMA ang Mayor ng Baliwag, Bulacan. Na si Mayor Ferdie Estrella. Kinondena niya ang patama ng cast na sinabing ‘baliw,’ na parang pinalalabas sa eksenang iyon na ang Baliwag, Bulacan ay tapunan ng mga baliw na tao, sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ na inire noong February 14, 2024.

“Nag-courtesy visit na po si GMA Assistant Vice-president for drama na si Ali Nokom Dedicatoria at Executive Producer Joy Lumboy-Pili. Humingi sila ng tawad sa nasabing eksena, at nagka-patawaran naman sila,” kwento pa ng aking source.

At narito ang pahayag ni Mayor Ferdie, “Kinokondena namin ang iresponsableng eksena sa ‘Abot Kamay Na Pangarap,’ at maging ma-ingat sila sa kanilang palabas at huwag na itong maulit pa.

“Magsilbing aral at makalikha ng kamalayan para sa mga susunod pa na palabas at iba pang pagtatanghal,” ayon pa kay Mayor Ferdie Estrella.