November 2, 2024

Serbisyo ng Navotas hospital, limitado; ilang kawani apektado ng COVID

INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na mas malilimitahan ang serbisyo na maihandog ng Navotas City Hospital matapos ilang kawani nito ang apektado ng COVID-19.

Ayon sa pamahalaang lungsod, walang elective surgery o mga operasyon na nakaplano nang maaga at wala munang tatanggapin na normal o cesarian delivery.

Ang mga manganganak ay maaaring i-refer sa Tanza Lying-in o sa One Hospital Command.

Limitado din ang tatanggaping admission. Prayoridad ang mga pasyente sa Internal Medicine. Ang laboratory at X-ray ay limitado sa mga pasyente lamang sa ER at Admission.

Kaugnay nito, mas paiigtingin ng pamahalaang lungsod ang paggamit ng telemedicine para sa Outpatient Department. Icheck lang ang link na ito para sa Navotas City Hospital Telemedicine https://tinyurl.com/NavCH-Telemed habang magpapatuloy naman ang pagbabakuna sa lobby ng ospital.

Humihingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang Pamahalaang Lungsod at hinihiling din nito ang patuloy na pag-iingat ng lahat, lalo na ang pagsunod sa safety at health protocols.

As of January 8, 2022, umabot na sa 18,607 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng Covid-19 sa lungsod, 914 dito ang active cases, 17,127 ang mga gumaling at 566 naman ang binawian ng buhay.