Mas pinaigting ng Manila Electric Company (Meralco), sa ilalim ng pamumuno ni Manuel V. Pangilinan, ang operasyon ng North Port Substation sa Tondo, Manila upang matiyak ang mas ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente sa lungsod.
Kabilang sa proyekto ang pag-upgrade sa 10 power circuit breakers at 19 disconnect switches mula 40 kiloamperes (kA) tungong 63 kA, kasabay ng pagsasaayos ng mga control cable at nauugnay na civil works.
Sa pamamagitan nito, mas kakayanin ng 115-kilovolt (kV) substation ang mas matataas na fault current level upang maiwasan ang mga interapsyon sa kuryente.
Pangunahing makikinabang sa mas matatag na supply ng kuryente ang Chinese General Hospital and Medical Center, Tondo Medical Center, mga istasyon ng LRT, Mapúa University, at Lyceum of the Philippines University.
Siniguro ng Meralco na patuloy ang pamumuhunan ng kumpanya sa modernisasyon ng distribution network nito upang maghatid ng mas matibay at maaasahang serbisyo sa mahigit walong milyong customer nito.
