December 24, 2024

Senior citizens delikado sa heat stroke… MANIPIS NA SUPPLY NG KURYENTE IKINABABAHALA NI ORDANES

UMAPELA si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na dapat tiyakin na mayroong sapat na supply ng kuryente sa kabahayan upang maibsan ang nararamdamang sobrang init ng mga senior citizens nang sa gayon ay maiwasan ang heat stroke at iba pang medical conditions.

“Senior citizens are vulnerable to heat stroke, if they are not used to high temperatures,” ani Ordanes.


Sinabi ni Ordanes na mataas ang panganib ng heat-related illnesses sa mga matatanda dahil nahihirapan na ang kanilang mga katawan na mag-regulate ng kanilang body temperature.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot na sa dangerous levels ang heat index sa Mimaropa, Bicol at Western Visayas Region.

Aniya, dapat mag-ingat ang mga senior citizens upang maiwasan ang heat-related illness at tiyaking ligtas lalo na ngayong tag-init.

Upang magawa ito, sinabi ni Ordanes na dapat matiyak na mayroong sapat na suplay ng kuryente sa mga kabahayan na magagamit sa pagpawi ng init.


Subalit taliwas umano ito sa kasalukuyang sitwasyon at patunay dito ang pagdedeklara ng red at yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“We are now in a situation in which our power supply is simply low and knotty to solve. The last thing we want to happen is for certain groups to hamper this administration and the private sector to solve the nation’s energy security,” sabi ni Ordanes.

Ayon sa ulat, 68 power plant ang nakaranas ng forced outages kamakailan kaya bumaba ang suplay na nagresulta sa pagdedeklara ng yellow at red alert.

“Think of the more than 12 million senior citizens who will be affected if the country continues to have an acute power supply,” dagdag pa ng solon.

Umaabot sa 28,297 megawatts (MW) ang kapasidad ng mga kuryente sa bansa at ang peak demand naman ay 17,000 MW. Kakailanganin umano ng dagdag na 8,000 MW para matugunan ang inaasahang 25,000 MW peak demand sa 2028.

“It is of the best interest of consumers that include many senior citizens if new power projects will be developed as soon as possible,” dagdag pa ng solon.