May hidden talent pala si senatorial aspirant Salvador Panelo sa pagkanta. Katunayan, ipinamalas niya ito sa panayam sa kanya sa programang ‘ ASPN’ (Ano Sa Palagay N’yo?) ng Net 25.
Sa panayam sa kanya ng mga hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza, sumalang si Panelo. Dito, tinanong siya kung ano ang kanyang magiging plataporma at bisyon.
Naging kwela lang ang interview at hindi na pressure ang dating presidential spokesman. Isiniwalat niya na inaalok pala siya ng VIVA para maging recording artist. Sa gayun ay para maging kakaiba ang arrive niya bilang candidate.
“Kuwan, sabi si sa akin ni boss Vic ng VIVA, para maiba, dapat may recall ang tao. Kung kumanta nga naman ako, masasabi nila, uy, ganun pala siya,” ani Panelo.
Yun nga lang daw, nauudlot ang recording. Inihayag din nito na hindi siya gaanong kilala sa NCR. Mas kilala raw siya sa probinsiya.
Pagkatapos ng talakayan patungkol sa kanyang plataporma ay nagrekwest ang hosts na kumanta si Panelo. Dito ay inawit na niya ang kantang ‘ Sanay Wala Nang Wakas’.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA