May 18, 2024

RITA AVILA, NAGHIMUTOK SA STYLE NG INTERVIEW NI TITO BOY KAY VP ROBREDO

Hindi nagustuhan ng aktres na si Rita Avila ang pag-hanlde ni Tito Boy Abunda sa panayam nito kay VP Leni Robredo. Hindi raw approve sa kanya ang style ng interview nito sa presidential candidate. Lalo na ang mahahalagang isyu aniya sa bansa.


Markado si Rita na supporter ni VP Leni. Pakiramdam niya, binabara umano ng host si VP kapag sumasagot. Kaya, di makasagot ng maayos ang bise presidente.


Bilang tanda ng pagkadismaya, naglabas pa ng evidence si Rita. Katunayan na marami umano ang nabuwisit. Para raw kasing di patas ang panayam ni Tito Boy.
Mr. Boy Abunda, I love you but I feel something heavy while you are talking to VP Leni,” ani Rita sa kanyang post sa socmed.

You keep on cutting her and you act like you are against what she is saying,” sabi pa ng aktres kasabay ng pagkukumpara sa panayam kina BBM at Sen. Lacson.”

Mas respectful and decent ka kala Sen Ping and BBM. Sorry friend, I am not the only one who felt this,” aniya.