May 2, 2024

Senator Bong Go namigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cavite City

Binisita ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses  sa Samonte Park covered court sa Cavite City upang mamigay ng financial assistance, vitamins, groceries at food pack at nag-paraffe ng tig-30  besikleta at tablets para magamit sa mga may anak na nag-aaral, naging katuwang din ang Department of Social Welfare and Development at ibang ahensiya ng gobyerno sa pamamahagi ng ayuda. Ipinagamot din ang mga may sakit at ibinigay  ang mga pangangailangan ng pasyente. Dinaluhan din nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at  Cavite City Mayor Totie Paredes bilang pagsalubong sa pagbisita ng Senador sa kanilang lalawigan. (DANNY ECITO)