Pormal nang nagsimula ang ika-20 Kongreso nitong Lunes, Hulyo 28, at si Senator Francis “Chiz” Escudero ang muling umupo bilang Senate President matapos makuha ang suporta ng 19 na senador — sapat na para panatilihin ang kanyang liderato sa Mataas na Kapulungan.
Ang eleksyon ay isinagawa ilang oras bago ang ika-apat na SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga bumoto kay Chiz ay sina Bam Aquino, Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, Robin Padilla, Tito Sotto, Joel Villanueva, Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Mark Villar, Camille Villar at Bong Go.
Limang senador naman ang bumoto para sa dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na muling ininomina ni Sen. Miguel Zubiri at sinuportahan nina Senators Loren Legarda, Gatchalian, Dela Rosa, at Raffy Tulfo.
Sa kanyang nominasyon, iginiit ni Villanueva: “Naniniwala akong si Senator Chiz ang makakapaglabas ng pinakamainam na bersyon ng Senado sa 20th Congress.”
Ang muling pagkakahalal ni Chiz bilang Senate President ay nangyari sa gitna ng nag-aalab na isyu ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon sa mga kritiko, tila pinatatagal daw ng Senado ang proseso, ngunit giit ni Escudero — susunod lamang sila sa patakaran ng Senado.
“Gagampanan ng Senado ang tungkulin nito, ayon sa tamang proseso,” diin ni Chiz.
Samantala, muling nahalal bilang Senate President Pro Tempore si Sen. Jinggoy Estrada habang bagong majority leader si Sen. Joel Villanueva. Si Sen. Kiko Pangilinan na nagnomina kay Sotto bilang Minority Leader, ngunit tinanggihan ito ng beteranong mambabatas.
