TULOY-TULOY pa rin ang pamamahagi ni Supremo Senador Lito Lapid ng financial assistance sa mga kabalen sa Sasmuan, Pampanga nitong Miyerkoles ng umaga.
Nasa 177 beneficiaries ang tumanggap ng P5,000 kada isa na abot sa halagang P885,000 ang ipamamahagi ng Senador, kasama sina Sasmuan, Pampanga Mayor Catalina Cabrera, Vice-Mayor Mamerto Tamayo at DOLE Region 3 officials.
Nagpapasalamat si Sen. Lapid sa mga taga-Sasmuan sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga kabalen.
Nangako si Lapid na ipagagawa ang maliit na tulay na tricycle at motorsiklo lang ang nakakadaan, kaya palalakihan anya ito para makadaan ang mga malalaking sasakyan sa bayan ng Sasmuan.
Popondohan anya ito ng P50M ang rehabilitation ng tulay para mas makatulong sa mabilis na paghahatid ng mga produktong agrikultural mula Brgy. sa San Pedro patungo sa Brgy. Sta. Lucia at maging ang pagtawid ng mga residente mula sa kabilang panig ng Guagua Pasac river.
Sa pangunguna ni Mayor Cabrera, todo pasasalamat ang mga taga-Sasmuan sa naipahaging ayuda at sa ipapagawang tulay sa nasabing bayan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA