NANANATILI si Supremo Senador Lito Lapid sa mataas na ranking sa Top 12 senatorial preference para sa 2025 elections sa ilang surveys.
Sa latest surveys ng SWS at Octa Research, nasa ika-7 hanggang ika-9 na pwesto si Lapid sa mga senador na iboboto ng mga botante sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Sen. Lapid, nagpapasalamat sya sa mga kababayan nating patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.
Hangad ni Lapid na maipagpatuloy ang mga nasimulan na nyang mga proyekto at mga programa para sa agrikultura, edukasyon, kalusugan at paglikha ng mga trabaho sa bansa.
Bilang Chairman ng Tourism Committee sa Senado, isinusulong ni Lapid ang paglalaan ng dagdag pondo sa Dept. of Tourism para sa promosyon at pagpapalago ng mga tourist destinations sa bansa na syang lilikha ng mga trabaho.
Nagpapasalamat din si Lapid kay Pang. Bongbong Marcos nang mapili sya na makasama sa administration candidates.
“Unang-una po ay nagpapasalamat ako sa mahal na Pangulong Marcos at nasama tayo sa Bagong Pilipinas Coalition na isa ako sa 12 napili. Kaya maraming-maraming salamat po,” sabi ni Lapid
Sa unang termino ni Lapid noong 14th Congress, ika-apat ang Kapampangan Senator sa mga Senador na nakapag-sumite ng higit 400 bills at resolutions.
Si Lapid ang awtor ng Free Legal Assistance Act of 2010 p Lapid Law na nagbibigay ng libreng legal service sa mga mahihirap na Pinoy na walang kakayahang bumayad o mag-hire ng abugado.
Tuloy-tuloy ang pagsusulong ng
ni Lapid ng mga panukalang batas para maiangat ang buhay ng mga masang Pilipino.
Bilang chairperson ng Senate Committee on Games, Amusement, and Sports, tiniyak ni Lapid na mapagkalooban ng sapat na suporta ang mga kabataang na lumalahok sa sports competition.
Sa unang taon ni Lapid bilang chairman ng Senate Committee on Tourism, nagsulong sya ng ilang inisyatiba para mapaunlad ang turismo at magpatibay ng mga hakbangin na makakaagapay sa tourism race sa Asian region.
Isa pa sa landmark piece of legislation na inakda ni Lapid ang Republic Act No. 11767, o ang Foundling Recognition and Protection Act, na nagtatakda ng legal basis para i-register a5 suportahan ang orphaned children at iba pang foundlings o batang-pulot.
Naging ganap na batas din ang inakda ni Lapid na Republic Act No. 11551, na nag-integrate sa labor rights education sa tertiary education curriculum.
Ilang pa sa mga mahahalagang batas na inakda ni Lapid ang mga sumusunod:
•Republic Act No. 10367 (Biometrics Law)
•Republic Act No. 10645 (Expanded Senior Citizens Act of 2010)
•Republic Act No. 9850 (Arnis as the National Sport of the Philippines)
•Republic Act No. 11765 (Financial Products and Services Consumer Protection Act)
•Republic Act No. 11650 (Instituting Services and Programs for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education)
•Republic Act No. 11576 or the Judiciary Reorganization Act.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA