May 3, 2024

SEN. BONG REVILLA JR., NAGING MATAGUMPAY ANG MINOR OPERATION

HALOS nag-aalala lahat ang mga kasamahan niya sa shooting ng ‘Alyas Pogi IV,’ dahil sa ibinigay niya ng todo ang pagtakbo niya bilang isang eksena sa latest movie niyang entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2024.

Napuwers kasi siya na naging dahilan para operahan siya, successful naman ang operasyong ginawa sa kanya sa tinamo niyang Torn Achilles Tendon niya na napuwersa dahil sa kanyang pagtakbo..

“On the road for recovery na ang butihing senador, kaso kaylangan niyang bunuin ang kanyang therapy na aabot sa 3 to 5 months.

“Binawalan siya ng kanyang doktor na mag-workout, kaya malungkot si Sen. Bong dahil hindi siya makakapag-routine exercises. Para naman iyon sa ma-bilisan niyang pag-galing.

“Laking abala ito kay Sen. Bong, dahil pati ang shooting ng kang ‘Alyas Pogi IV’ na pang-Metro Manila Film Festival ay maaapektuhan.

“Balik senado na siya sa April 29, Monday, at naka-cast ang kanyang naoperahang Achiles Tendon niya at bawal sa kanya ang mag-physical exertion.

“Huwag magtaka kung sa pag-pasok niya sa Senado ay naka-wheel chair siya, dahil bawal nga siyang maglakad dahil sa kanyang operasyong natamo. Pero kilala natin si Sen Bong, hindi iyan basta-basta nagpapatalo sa anumang sakit na nararanasan niya. Pilit niya itong nilalabanan, gumaling lamang,” malungkot na pahayag ni Miss. Bubuwit na aking source.