May 16, 2024

SEKYU PINUGUTAN SA QUEZON CITY

NATAGPUANG pugot ang ulo ngisang 50-anyos na security guard sa loob ng car dealership sa Edsa, Balintawak, Quezon City.

Nabatid na huling nakausap ng biktimang si Alfredo Tabing ang asawa nito pasado alas-5 ng hapon ng Bisperas ng Pasko.

“Mga pasado alas-5 nagche-check siya kung ano gingawa namin sa bahay. E, sakto po medyo busy ako kaya di kami gaanong nakapag usap,” sabi ng asawa ng biktima.

“Sa isip ko, gabi ko na lang siya ulit tatawagan bago ako makatulog,” dagdag pa nito.

Alas-10 na ng gabi nang tawagan nito ang biktima ngunit hindi na sumasagot.

Araw ng Pasko nang puntahan niya ang pinagtatrabahuhan ng biktima at doon niya nalaman ang malagim na sinapit ng asawa.

Sinabi nito na wala siyang kilalang kaaway ng mister para gawin ang pagpatay.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen.